Wednesday, October 18, 2006

Typhoon Milenyo

Sobrang grabe talaga yung nangyaring bagyo last Sept. 28, 2006, Thursday. Tumagal lang ng mga ilang oras at pagkatapos ay sobrang daming pinsala ang kanyang iniwan dito sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar. Mabuti na lang at walang pasok, dahil sa lakas ng hangin kitang kita mo yung mga nagliliparang mga yero, nadaganang kotse, natumbang mga puno, poste ng kuryente at mga billboards. Dahil dito nawalan ng dial tone ang telepono at walang signal ang cell phone. Kami nga nawalan ng ilaw mula Sept. 28, Thursday 8:00 a.m. hanggang Sept. 30, Saturday 8:45 p.m. Masuwerte na rin kami dahil yung iba mas matagal pa bago sila nagkaroon ng ilaw dahil sa bumagsak na poste at yung iba nga wala rin silang tubig.
Mabuti na lang at mahilig din ako mag-collect ng candles at nagamit ko sila nung nawalan ng ilaw. Mayroon din akong walkman na mapapakinggan ko kahit brownout, basta lagyan lang ng batteries. Pati na rin ang mga flashlights laging ready. Yun nga lang medyo nakakatamad at boring na pag gabi kasi wala ka na masyadong magawa dahil walang kuryente at madilim.
Sana wala nang dumaan na ganyang kalakas na bagyo dito sa atin. Kawawa yung mga masasalanta ng bagyo kapag may dumating pang ganyan kalakas. Lalo na yung mga mahihirap at mga nasa probinsya na mas lalong apektado.

No comments: