Thursday, October 26, 2006

Mala Korean "Jewel in the Palace" Birthday Celebration

Finally it's my birthday! Treat ko sila sa Healthy Shabu Shabu sa may The Block ng SM North (sa taas ng SM Hypermarket) First time naming kumain sa ganitong restaurant na kami mismo ang magluluto. Nakalagay na lahat sa table ang lahat ng mga ingredients. Dahil nga sumikat dito ang Koreanovelang Jewel in the Palace ni Lee Young-Ae o mas kilala bilang si Jang Geum pinilit naming gayahin ang mga style nya sa pagluluto. Umpisahan na ang paligsahan sa pagluluto. Aber mahusgahan nga ang mga inihaing pagkain.

Presenting.... Ang mga kalahok

Shebe and Mylene
Kristine & Rochelle
Umpisahan na ang paligsahan. Nakahanda na ang mga sangkap at mga gagamitin sa pagluluto. Isa, dalawa, tatlo... magluto na kayo.

Ang dalawang ito nag-aagawan pa sa mga ingredients na
parangmauubusan e ang dami pa ngang nakalagay sa plato.
At eto pa... Paano kayo makapag-luto kung di nyo
makuha-kuha gamit ng chopsticks ang mga ingredients.
Taking my first ingredient...
Parang batang nag lulutu-lutuan lang. Hehehe...
Presenting: The dishes... Our work of Art

Bulanglang ala Mylene
Very Filipino style of cooking.
Shebe's Dish for Today
Spicy Seafood naman ang timpla ng luto.
Hot Mama's Soup: The Roch Style
Medyo spicy but very tasty naman ang version ng dish.
Korean Hot Pot ala Kristine
Tamang tama lang ang timpla.
Not too spicy, not too salty and not too oily.
The verdict: Ang resulta ng paligsahan

Matikman nga ang mga luto nyo... Ang mananalo sa "Jewel in the Palace Style Cooking Contest" ay mag-uuwi ng trip to Korea at mamamasyal sa Busan, Jeju Island, Seoul at Lotte World na matatagpuan sa South, Korea (joke lang! wala tayong sponsor na airlines o travel agency). At ang nanalo ay: it's a tie!

Pagkatapos magluto, kumain at magkuwentuhan. Walang kasawa-sawang pasyalan at shopping at kuhaan ng pictures.
Stolen shot ba ito? Pa-simple lang. Di halatang naka-pose.
Para bang kinunan lang habang naglalakad sa mall
Wala lang. Tambay lang muna sa mall pagkatapos kumain.
Ang pasaway na ako. Saan ba ako pupunta?
Hoy bruha! Magpa-picture ka muna bago umalis!
Nasaan na ako? Bakit ako nawala sa picture?
Galit ba kayo sa akin at ayaw nyo ako isali. Huhuhu! (joke!)
Hay! Sa wakas at isinama rin nila ako sa picture! Medyo
magulo na ang buhok ko dyan. Dapat nag-retouch muna kami.

No comments: