Tuesday, October 31, 2006

Happy Halloween!



To all the kids out there happy trick or treating! Here in our village we had a trick or treat for kids last Sunday, October 29, 2006. It was organized by the officers and active members of our village association UPRA-3 and I was one of the younger residents of the village who was called up to join the committee. I was assigned to design the posters and nametags and also as street coordinator for the registration for the activity.

Over 200 kids in their Halloween costumes and 20 residents who gave treats participated in the UPRA-3 Halloween Trick or Treat. It was a success and the kids came home happy with their loot bags of assorted goodies.

It was drizzling in the morning, the sky was gloomy and rain clouds were forming. Thank God it didn’t rain that afternoon so the kids were not soaking wet while going around the village.

Thursday, October 26, 2006

Mala Korean "Jewel in the Palace" Birthday Celebration

Finally it's my birthday! Treat ko sila sa Healthy Shabu Shabu sa may The Block ng SM North (sa taas ng SM Hypermarket) First time naming kumain sa ganitong restaurant na kami mismo ang magluluto. Nakalagay na lahat sa table ang lahat ng mga ingredients. Dahil nga sumikat dito ang Koreanovelang Jewel in the Palace ni Lee Young-Ae o mas kilala bilang si Jang Geum pinilit naming gayahin ang mga style nya sa pagluluto. Umpisahan na ang paligsahan sa pagluluto. Aber mahusgahan nga ang mga inihaing pagkain.

Presenting.... Ang mga kalahok

Shebe and Mylene
Kristine & Rochelle
Umpisahan na ang paligsahan. Nakahanda na ang mga sangkap at mga gagamitin sa pagluluto. Isa, dalawa, tatlo... magluto na kayo.

Ang dalawang ito nag-aagawan pa sa mga ingredients na
parangmauubusan e ang dami pa ngang nakalagay sa plato.
At eto pa... Paano kayo makapag-luto kung di nyo
makuha-kuha gamit ng chopsticks ang mga ingredients.
Taking my first ingredient...
Parang batang nag lulutu-lutuan lang. Hehehe...
Presenting: The dishes... Our work of Art

Bulanglang ala Mylene
Very Filipino style of cooking.
Shebe's Dish for Today
Spicy Seafood naman ang timpla ng luto.
Hot Mama's Soup: The Roch Style
Medyo spicy but very tasty naman ang version ng dish.
Korean Hot Pot ala Kristine
Tamang tama lang ang timpla.
Not too spicy, not too salty and not too oily.
The verdict: Ang resulta ng paligsahan

Matikman nga ang mga luto nyo... Ang mananalo sa "Jewel in the Palace Style Cooking Contest" ay mag-uuwi ng trip to Korea at mamamasyal sa Busan, Jeju Island, Seoul at Lotte World na matatagpuan sa South, Korea (joke lang! wala tayong sponsor na airlines o travel agency). At ang nanalo ay: it's a tie!

Pagkatapos magluto, kumain at magkuwentuhan. Walang kasawa-sawang pasyalan at shopping at kuhaan ng pictures.
Stolen shot ba ito? Pa-simple lang. Di halatang naka-pose.
Para bang kinunan lang habang naglalakad sa mall
Wala lang. Tambay lang muna sa mall pagkatapos kumain.
Ang pasaway na ako. Saan ba ako pupunta?
Hoy bruha! Magpa-picture ka muna bago umalis!
Nasaan na ako? Bakit ako nawala sa picture?
Galit ba kayo sa akin at ayaw nyo ako isali. Huhuhu! (joke!)
Hay! Sa wakas at isinama rin nila ako sa picture! Medyo
magulo na ang buhok ko dyan. Dapat nag-retouch muna kami.

Wednesday, October 25, 2006

Office Birthday Blowout

Here we are at Dampa sa may Libis, Q.C., October 20, 2006. Nag-blowout ako sa office ng lunch at dito nga kami sa dampa kumain. Ikaw mismo ang mamamalengke at magpapaluto ng kakainin mo kaya siguradong fresh at masarap ang pagkain. Ang mga food namin ay crabs, shrimps, calamares (squid rings), ulo ulo at ripe mango. Sa sobrang sarap ng food walang natira kundi mga tinik nung isda at mga shells ng crab at hipon. Tignan mo na lang ang ebidensya.





Food Trip...

Nandito kami sa Moose Grill sa may Ever, Commonwealth, Oct. 13, 2006. Sarap ng kain namin, ang daming food! May Korean Beef, Kare Kare, Lumpiang Shanghai at may libre pang Crispy Pata. Kain lang ng kain! Di ba obvious na bukod sa mahilig kami sa picture taking mahilig din kaming kumain.




Wednesday, October 18, 2006

Bossa Babe

I like the songs from Sitti’s CafĂ© Bossa album and her Sitti Live! Album. The songs are all revival and some have a latin flavor to it, she gave them a bossanova twist. The listening is very light, easy and relaxing. It’s good to listen to it especially if you want to relax after work, soak for hours in a bath tub, chilling out with friends drinking coffee or a romantic dinner with your loved one. I suggest you get a copy of her album or any of the artists who are into bossanova music like the new album of Agot Isidro “Island Flavor” or by Sofia “Sofia - Bossa Latino Lite”.
I like singers who give old songs new life by giving them a new sound like making them bossanova, jazz or R&B and making it their own song. Sometimes if the original song is not that famous before or has been forgotten already it is somehow getting special attention and almost being played by almost every radio station or being used in tv shows.

Typhoon Milenyo

Sobrang grabe talaga yung nangyaring bagyo last Sept. 28, 2006, Thursday. Tumagal lang ng mga ilang oras at pagkatapos ay sobrang daming pinsala ang kanyang iniwan dito sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar. Mabuti na lang at walang pasok, dahil sa lakas ng hangin kitang kita mo yung mga nagliliparang mga yero, nadaganang kotse, natumbang mga puno, poste ng kuryente at mga billboards. Dahil dito nawalan ng dial tone ang telepono at walang signal ang cell phone. Kami nga nawalan ng ilaw mula Sept. 28, Thursday 8:00 a.m. hanggang Sept. 30, Saturday 8:45 p.m. Masuwerte na rin kami dahil yung iba mas matagal pa bago sila nagkaroon ng ilaw dahil sa bumagsak na poste at yung iba nga wala rin silang tubig.
Mabuti na lang at mahilig din ako mag-collect ng candles at nagamit ko sila nung nawalan ng ilaw. Mayroon din akong walkman na mapapakinggan ko kahit brownout, basta lagyan lang ng batteries. Pati na rin ang mga flashlights laging ready. Yun nga lang medyo nakakatamad at boring na pag gabi kasi wala ka na masyadong magawa dahil walang kuryente at madilim.
Sana wala nang dumaan na ganyang kalakas na bagyo dito sa atin. Kawawa yung mga masasalanta ng bagyo kapag may dumating pang ganyan kalakas. Lalo na yung mga mahihirap at mga nasa probinsya na mas lalong apektado.