Thursday, January 04, 2007

Happy New Year!

Happy New Year to every one! How did you celebrate the coming of 2007. We just had our usual media noche at exactly 12mn and just watched the new year countdown on t.v. We didn't buy any fireworks and firecrackers as it leaves the air smoky and polluted and our neighbors already have too many so we just enjoy ourselves watching them.

What are your traditions or rituals during new year to usher in good luck? At our house we usually wear something with polkadots and the lucky color of the year. We also buy round fruits for media noche. They say that polkadots and the round fruits simbolizes money. We also put coins at the front door and scatter it all over the house and also in the pocket (and shake to make some noise) for prosperity and wealth. And if you don't wan't some firecrackers/fireworks we usually make noise with kaldero and spoon or turotot to drive away the evil spirits or the negative energy.

As usual we refer to feng shui or the chinese lucky charms that if you have them at your house or if you bring with you everywhere in your wallet/bag or as accessories will give you good luck. These charms, sometimes in different shapes and sizes (sometimes used with semi-precious stones when worn as necklace or bracelet) simbolizes prosperity, wealth, success, love, safety in travel or safety for the house and for good health (depending on the symbol of the charm).

I hope 2007, the year of the pig will bring good luck and prosperity to everyone of us.

Wednesday, January 03, 2007

Kahit tatlo na lang kami nina Rochelle at Shebe na magkabarkada na nandito sa Pilipinas ay masaya naman kami na nanood ng Zsa Zsa Zaturnah Ze Moveeh sa SM Megamall

Talagang nakakatawa ang movie at hindi sya boring panoorin at may mga production numbers pa kasi isa rin itong musical. Nakakatuwa ang role ni Rustom Padilla bilang bading na parlorista. Mas nakakatawa sana kung Ruffa Mae Quinto sana ang gumanap na Zsa Zsa Zaturnah para mas kikay na superheroine. Pero ok lang na si Zsa Zsa Padilla ang gumanap kasi carry naman nya yung role. Di ka maiinis kay Pops Fernandez bilang si Queen Femina kasi english sya ng english at may mga alalay pa sya na mga kung tawagin nya ay amazonistas na tulad nyang sexy at may mga makukulay na costumes.

Habang nanonood kami ay nabalitaan namin na umuwi ng Pilipinas si Nancy from Kuwait kasi namatay ang kanyang daddy. Nakakalungkot namang isipin na kakatapos lang ng pasko at magbabagong taon tapos mamamatayan ka pa ng mahal sa buhay. Parang ang hirap tuloy na ngumiti habang ang iba any nagsasaya at ipinagdiriwang ang pasko at ang darating na bagong taon. Ipagdarasal na lang namin na sana ay makayanan mo ang lungkot at makapag move on sya at sana ay masaya ang tatay nya kung saan man sya naroroon. How do you cope nga ba with the loss of a loved one? Talagang napaka-ikli ng buhay ng isang tao kaya make the most of every moment of your life.

Pagkatapos namin manood ng movie ay kumain kami ng dinner sa Sbarro. Nagkwentuhan at nag echange gifts.

Peace tayo! Walang kukuha sa plato ko ng pagkain!
Di halatang gutom! Mukhang mananaksak ng pagkain!
Sige! Attack of the Giant Roch!
Mga gutom na kaya camera na lang ang pinagtitrippan
Shebe, bilisan mo naman um-order ng pagkain gutom na kami!
Sige ka ikaw na lang o ang pagkain mo ang kakainin namin!
Wow! Sarap naman ng pagkain mo Shebe!
Akin na lang ha! (joke lang!)
Food Fight of the Year!
Headline: Mag bestfriends nag-away nang dahil sa pagkain!
Pa-cute pa habang kumakain!
Tres Marias
Yo! Peace Man!Busog na kami!
Sarap talaga ng pagkain!
Tres Marias Part IIRoch: Shebe, Tin tinging naman kayo dito!
Headline: Dating magkaibigan nang daihil sa
hindi pag-bigay ng pagkain nagsaksakan!Oishi! Sarap ng pagkain!
Oops! Mali pala sinabi ko. Akala ko kasi nasa Japanese restaurant ako.
Dapat pala "delizioso" kasi Italian food ang kinain ko.

Paskong Lumipas!

Napakabilis talaga ng panahon at tapos na ang pasko. Ngoyon ang inaabangan ay ang maingay at masayang pagsalubong sa bagong taon. Parang kailan lang ay kakatapos lang mag summer outing at ngayon bagong taon na naman.

Merry naman ang christmas ko this year kahit mahirap ang buhay. At least kumpleto at masaya ang aking family kahit tatlo lang kami.
Masaya dahil marami rin akong pinuntahang christmas party sa office at kasama ang aking barkada. Nanood pa nga kami ng Zsa Zsa Zaturnah Ze Moveeh sa may SM Megamall.

Christmas is here!

Merry Christmas to everyone! Pasko na naman! Ilabas na ang inyong mga christmas decorations, christmas lights at christmas trees. Naririnig ko na naman ang mga caroling ng mga bata, christmas songs sa mall at radyo at nakikita ko ang ang mga makukulay na parol at mga nagkikislapang mga christmas lights.

Malamig na ang simoy ng hangin. Masarap maglakad papuntang simbahan kapag simbang gabi. Bumubili ako ng bibingka, puto bumbong, lugaw/goto kasabay ng mainit na kape para mainitan ang sikmura at pampaalis ng antok.

Sira na naman ang mga diet ng marami dahil sa dami ng christmas party na pupuntahan at may noche buena pa. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa nga kung ano ang handa namin sa noche buena. Syempre di mawawala ang hamon. keso de bola, pansit at walang kamatayang fruit cake.

Gusto kong pumunta sa Policarpio St. sa may Mandaluyong kasi taon taon ay punung puno ng mga christmas lights ang mga bahay dito at mga santa claus. May nagtayo na rin ng tiangge at mga stall ng kainan para sa mga dumadayo sa lugar na ito.

Balak ko pumunta ng SM Mall of Asia para manood ng Dolphin Show kasama ang aking pamangkin, pinsan, tita at syempre ang buong pamilya.